Paulit-ulit na Panaginip

Makulimlim ang kalangitan at nagaagaw na ang liwanag at dilim. Tahimik, Tahimik ang kapaligiran. Wala akong marinig ni kahit isang tunong ng ypak ng tao o hiyaw nga mga batang naglalaro. Wala! Di ko mawari pero iba ang pakiramdam ko.

Nasa harapan ko ang isang gusali at may pagkaluma na ito. Bakas ang mga lumipas na taon sa naninilaw  na pintura nito na dati’y puti. Tinignan ko itong mabuti. Iniisip ko kung saan at kailan ko itong nakita. Alam ko pamilyar na ang gusaling ito sa akin, ngunit kalian at paano?

Tinahak ko ang asensor at pumasok. Kusa itong nagsara at pumanhik ng ikaanim na palapag. Kampante akong nagaantay na makarating sa paroroonan. Tulad ng sabi ko kanina, pamilyar ang lugar sa akin, ngunit may kaba pa rin akong nararamdaman.

Nang makarating  ay agad akong lumabas ng asenso. Walang tao sa pasilyo, tahimik. Palibhasa’y may terasa, ang liwanag sa labas ang nagsisilbing ilaw sa pasilyo. Lumingon ako sa kanang bahagi at nakita ko ang maliit na lababo na gawa  sa semento. Payak at di man lang pinagaksayahan ng panahong lagyang ng baldosa. Hula ko ay may gumamit dito kani-kanina lang sapagkat basa pa ito at di naisara ng maayos ang gripo. Ilang hakbang mula sa lababo ay may palikuran, na kahilera ng asenso. Di ko na pinagaksayahan ng oras na puntahan ito. Bagkos pamilyar ang lugar, sa likod ng isip ko ay alam ko na nag-iisa lang ito, malaki ang loob at mayroong magandang salamin.

Sa oras na ito ay pinili kong maglakad sa kaliwang dako ng pasilyo. Nadaanan ko ang isang bulwagan na tila di na nagagamit.  Bagamat patuloy ang aking paglakad, nakita ko ang maalikabok nitong loob at may sira-sirang bintana. May mga nakakalat ding upuan sa gitna nito, ang iba ay nakabaliktad pa. Di ako makatigil sa paglakad kahit anong gawin ko. Di ko makontrol ang sarili ko hanggang sa madaan ko ang isang malaking litrato ng babae na nakadikit sa pader.

Sa pagkakataon ito ay huminto ang aking katawan sa paglalakad at nagkaroon ng panahon na titigan ang litrato. Lulan nito ang larawan ng isang babae na ang kuha ay hanggang balikat lamang. Nakasuot ito ng asul na kamiseta ngunit lantad ng bahagya ang kanyang balikat. Ang babae ay may suot na itim na sombrero na tila galing espanya, itim, simple ngunit sopistikada ang disenyo. Tinatakpan nito ang kanyang itim na buhok na halatang inayos at kinulot na bumagay naman sa kanyang mukha. Bagkos hanggang balikat lamang ang litrato ay di ko masukat ang haba ng kanyang buhok. Bakas sa kanyang mata ang kasiyahan. Nakataas  ng kaunti ang kanyang balikat at nagpalalim ng kanyang balagat. Muli pumasok na isipin ko na pamilyar ang babaeng, marahil ay kakilala o sikat ito.

Nang di anu-ano ay tumunog ang asenso hudyat na may paparating, nakaramdam ako ng kaba. Kusang gumalaw ang aking katawan at tumakbo. Napailing ako at napabulong sa sarili, “sabi ko na alam ko na to eh” Nais kong magtago sa palikuran ngunit nasalubong ko ang babaeng nasa larawan. Diretso lang sya sa paglalakad at tila di nya ako napansin. Sinundan ko sya ng tingin at komportable siyang naglalakad ng biglang napatigil sa litrato.

Kasabay ng kanyang pagtingin sa larawan ay kasabay ng pagpalit naming nang aming katauhan. Di ko namalayan at ako na ang nakaharap sa litrato. Napahalakhak ako ng mahina pero may kaba. Paglingon ko sa kanan ko inaasahan ko na makikita ko ang sarili ko ngunit sa muling pagkakataon ay nag-iisa ako at napapaligiran ng katahimikan at nag-aagaw na liwanag at dilim.

Maya-maya pa at tuluyan ng nilamon ng dilim ang kalangitan at kailangan ko nang umuwi. Nagtago ako sa palikuran at hinihintay ang batang ‘ako’ na dumating. Ilang minuto ang lumipas at dumating sya tumingin sa litrato at nakabalik ako sa dati kong katawan.

Isang iglap lang ay napunta ako sa isang masukal na bundok at para makauwi ay kailangan kong akyatin ang mataas na kubo dahil yun lang ang daanan o marahil ay magpapadali sa akin pauwi. May isang bata  na inakay ko sa aking likuran habang umaakyat. Palibhasa’y normal na hagdan lang ito na mala-probinsya ang ayos kaya nahirapan akong umakyat. Muntikan pa akong bumagsak ngunit ang iniisip ko ay kaligtasan ng bata na pasan ko. Ilang beses kong tinagkang pumanhik sa itaas ngunit pauli-ulit din akong natutumba. Ramdam ko ang sakit sa alulod ng aking binti na tumatama sa bawat pagtumba ko ngunit patuloy ang pagakyat ko at pagkapit sa gilid ng hagdan. Maya-maya pa ay may dumungaw  na babae sa kubo. Tinulungan akong makatayo at may binigkas na salita. Wala akong narinig ngunit sa pagbuka ng kanyang bibig ay tila nagkakaunawaan kami. Ngiti lang ang isinagot ako. Unti-unti akong bumaba at inakay ang bata. May bago na palang daan sa gilid ng kubo. Mas malayo ngunit mas maayos na daan. Pilini ko iyon. Sa bawat hakbang ko ay ramdam ko ang hingal at pagod ngunit pagtingin ko sa bata ay nakahawak sya sa kamay ko. Di ko makita ang kanyang mukha pero ramdam ko na masaya sya.

Pagkalipas ng ilang araw ay paulit-ulit lang ang nangyayari. Makikita ko ang gusali, magkikita ang litrato, dadaan ang babae at  sa pagdilim ay aakyat ng kubo ngunit pagsasabihan ng tamang daan. Paulit-ulit ng ulit ng ulit. Nakakahilo, nakakasuka. Ngunit magpahanggang sa mga oras na ito ay ramdam ko na alam ko ang mga susunod na mangyayari at minarapat na magpadala sa sa pag-agos ng istorya.

Hanggang sa isang banda ay nagiba ang kwento. Pagkatapos ko tumingin sa litrato at nasa anyo nung babaeng nasa larawan ay pinili kong pumasok ng bulwagan. Maalikabok at tila mauubo ako sa amoy nito. Sa gawing kanan ay may maliit na kwarto at may maliit na pagpupulong.  Marahil ay seryoso sila di nila ako napansin. Bigla akong tumakbo, takbo ng takbo ng takbo. At pinilit ipinagkasya ang sarili sa isang kahon at nagtago.  Hingal na hingal ako at tila lalabas na ang puso ko sa pagtibok nito.

Sa isang iglap ay nasa palikuran na ako, nakaharap ako sa aking sarili. Sa tunay kong katawan at may sinasabi sa sarili na di ko naman marinig at maintindihan. At bigla akong sumigaw ng malakas, sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa makalma ang sarili ko. Walang lumabas na tunog ngunit ramdam ko ang sakit sa aking lalamunan.

Paglabas ko ng ay  nakita ko na may babaeng naghuhugas ng pinagkainan. Madami ito at masebo. Nakangiti sya sa akin at nangamusta, pilit kong hinuhukay sa aking isipin kong ano ang ngalan nya. Marahil ay kakilala ko ito. Magmula sa mata, pisngi at ngiti pamilyar na pamilyar ang mukha niya. Sa pagkakataong ito ay nag-usap kami at sa pinakaunang pagkakataon ay may narinig ako ng tunog. “Anong ginagawa mo sa loob, narinig kita at may sinasabi kang malakas” sambit nya at tumigil sa kanyang ginagawa. Tanging ngiti lang ang naisagot ko. Tumingin sya sa bulwagan at naroon ang isang lalaking may katangkaran, tahimik na inaayos ang lamesa at mga kurtinang ginamit. Nagtaka ako dahil nung pumanhik ako sa loob ay wala naman akong napansin na pagtitipon.

Pagbalik ko ng tingin sa babae ay patuloy sya sa kanyang ginagawa na may malaking ngiti sabay sabing, “Napapagod na ako sa ginagawa ko, lagi nalang ganito”. Sumagot ako, “Tiis lang, lahat naman ay nagsisimula sa mababa, maging yung amo mo nagsimula rin sya sa ganyan. Malay natin matapos ang ilang taon  ikaw na ang mag-uutos ng mga gawain”. Nasiyahan sya sinabi ko at itinuloy nya ang ginagawa nya ng may kagalakan.

Sa isang iglap ay napunta ako isang kalsada, kasama ko ang iilan sa miyembro ng aming simbahan. Tila may inaantay kami  at dahil sa tagal ng aming pag-aantay ay nabagot ang iilan at minabuting simulan na ang paglalakad.  Nang di anu-ano’y may kasalubong kaming maraming aso na tumatakbo palapit sa amin, nagmamadali sila at ang tatapang ng kanilang mga itsura. Sa takot ay umakyat kami sa may mataas na parte malapit sa kanal upang maiwasaan ang mga paparating na aso. At tuluyan nga kaming nakaiwas. Hingal na hingal kami, Pagod na pagod at kahit takot na takot at nagawa pa naming tumawa.

Nagkatinginan kaming lahat at naghagalpakan ng tawa. Mas takot mas malakas ang tawa. Dala nang pagod marahil ay napaupo kami sa gilid patuloy na naghahabol ng hininga ngunit may ngiti sa aming mga mukha.

Nang biglang may humampas na malakas na hangin, patuloy na nakapikit ang aking mga mata ngunit nakabalik na ako sa sarili ko. Panaginip lang pala ang lahat. Ngunit magkagayon ay ramdam ko ang pagod, manhid ang aking katawan. Yakap ko ang mga tuhod na tila bang sanggol na nasa sinapupunan ng aking ina. Di ko maigalaw ang aking katawan. Lumunok ako, isa, dalawa, tatlo. Ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Pinilit kong igalaw ang aking katawan. Unti-unti, dahan-dahan hanggang sa patuloy kong maideretso ang aking katawan.

Puno pa rin ng kaba ang aking dibdib at naghahabol ng hininga. Dala ng panahon at dahil ikaanim ng buwan ng taon kung kailan mas mahaba ang araw at maikli ang gabi ay maliwanag pa sa labas. Paglinga ko sa kanan ay naroon ang aking telepono. Kinuha ko at tinignan ang oras 4:59. Natigilan ako, at nanlamig. Naalala ko na, kaya pala mapilyar ang mga pangyayari at mangyayari ay dahil napanaginipan ko na ito at nagising sa kaparehas na oras. Marahil ay nagkataon lang, ngunit pambihira at tila imposible. Kaparehas ng pangyayari at oras, hindi ba’t nakapagtataka?

For english version, please click the link -> A recurring Dream

 

Advertisements

One thought on “Paulit-ulit na Panaginip

  1. Pingback: A Recurring Dream | Words Within

WOULD LOVE TO HEAR YOUR THOUGHTS :D

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s